Saturday, January 29, 2005

LOvePhone

"Hello!Musta ka na my friend?"
"Mabuti."
"Namiss kita ha."
"Bola. Totoo ba yan"
"Oo. Di ka ba naniniwala sa akin?"
"Musta araw mo, my friend?"
"Ok naman. Naglaro kami kanina ng basketball. Panalo iyong bataan ko. E ikaw?"
"Fine naman po ako. Ang ganda nga ng discussion namin sa class e. Napag-usapan namin sa Philo iyong tungkol sa Love. About Love feeling and Love Thought."
Alin kaya tayo doon?
"Magandang topic iyan , my friend. Saan ka naman naniniwala doon?"
"Di ko nga alam e. You know that, kapag nga naman inisip you lang na maganda iyong girl, masasabi you na crush mo siya."
"Pero my friend, hindi lahat ng magandang babae, masasabi mo na crush mo kaagad. Maganda siya pero may hinahanap kang qualities."
"Ikaw, sino ba crush mo?"
"Si Heart."
"Bakit si Heart?"
"Maganda siya, articulate at may confidence. Kaya ko nga siya gusto dahil magkatulad kayo."

"Ganun."
"Ayaw mo yata maniwala e."
Katahimikan...
...Tut...tutut...
"Teka lang ha."
"Sige."
...Tutut...tut...tutut...tut...tutut...tut...
"Pasensya na. Asan na tayo?"
"Sabi ko, ayaw mo yata maniwala sa akin."
Katahimikan...
"Ano pa nga ba ang paniniwalaan ko? Sinasabi mo sa akin, at this moment iyon lang ang panghahawakan ko."
Bahala na kung bukas wala na.
"Sige, may gagawin pa ako my friend. Ingat ka na lang."
"I Love you my friend."
Katahimikan....
"Sabihin mo rin."
"I care for you my friend."
"Bakit iba? Masarap sa pandinig iyon lalo na kung galing sa iyo."
"Sige na my friend. Tawag na ako ng mommy ko. Ingat."
"Tandaan mo mahal kita..."
Blag.

Kung mahal mo ako, nasaan ka na ngayon? Hindi ba talaga pwede ang ganitong sitwasyon?


Paunawa

Ang nasa itaas ay katha lamang at base sa aking imahinasyon. Pasintabi po sa mga taong may ganito ring karanasan. (Don't mind me na lang. Gusto ko lang magtype. Also, feel free to give your comments.Salamat!)

Thursday, January 20, 2005

Weakness=Strength

I've been reading "Our Daily Bread" and it inspires me alot. This day, I enjoyed my free time talking with my friends in UP College of Ed. Most of our topics involve insecurities- physical insecurities and then we ended up saying that GOD gave us this physicality because he has better plans. These are not to be called 'flaws' because these are strengths and what make us different from each other. That's the challenge there. How can people accept others with these differences and enjoy it?

Saturday, January 01, 2005

New Year -Jan jarajan!

Masaya po New Year ko. Bertdey ng friend kong si Jan Edgar at kahit paano isang paraan na naman ito ng pagkikita-kits naming mga IV-1. I spent my afternoon with Roan, Chi, Jocy, Mira, Arnel, Carla, Cris, Renz, Hazel and of course si Bot. Masaya magreminisce ng old times at walang kamatayang open forum. We sung and danced katulad pa rin ng dati na parang mga "baliw".(",)